What's new
PinoyTechnician

This is a sample guest message. Register a free account today to become a member! Once signed in, you'll be able to participate on this site by adding your own topics and posts, as well as connect with other members through your own private inbox!

Be proud Antgsm Zambales chapter

azhur

Registered
Joined
Oct 14, 2015
Messages
136
Reaction score
6
Points
1
Location
zambales
Sa lahat ng miyembro ng Antgsm dito sa Zambales mula Subic hanggang Santa Cruz tayo po ay may EB, at gaganapin sa Nov. 05, 2016 sa Pasamano Restaurant National Highway Brgy. Magsaysay, Castillejos Zambales, ika-2 ng hapon. Ito po ang pagkakataon natin na maging bahagi ng unang EB ng Zambales chapter. Ang ating pangalan ay mapapasama sa listahan ng mga pioneer sa kasaysayan ng ANTgsm mula ng maitatag ang zambales chapter.

Ang mga aasahan sa okasyong ito:

1.Election of Officer
2. bonding time(pagkakataon para makilala ang bawat isa)
3. open forum( pag usapan ang plano sa hinaharap at mga bagay na pwedeng ikaganda ng ating tahanan.

Ang layunin ng okasyong ito ay upang malinang ang ating malalim na ugnayan bilang technician at maprotektahan ang interes ng ating hanap-buhay. Matuto at magturo upang makinabang ang lahat ng member kaya ang lahat ay inaanyayahang dumalo, isama ang mga kapwa technician na wala pang account.

NOTE: Ang mga may account na hindi dadalo ng walang makabuluhang dahilan ay ituturing na hindi bahagi ng tahanan o costumer. Ang inyong account ay nasa pagpapasiya ng ADMIN kung mananatili o tatanggalin.




Maraming-maraming salamat po.


AZHUR
 
fvvdys.jpg
 
sarap basahin ang bawat letra..proud kami sa inyong adhikain magkaroon ng chapter sa inyong lugar...goodluck guys
 
Mga ANT ng ZAMBALES lumantad n kayo huwag matakot kung magsama-sama tayo at magtutulongan tulad ng literal na langgam kaya nating buhatin o balikatin ang mabigat n bagay... akayin ang inyong mga kaibigang tech sa ating tahanan welcome po ang lahat.
 
Mga bro pwedi ba aq sumali dito sa chapter natin dito sa zambales,,technician din aq,kaso free lancer lang.salamat.computer technician,appliances technician,electrician,at cellphone technician ang work q..
 
Back
Top