WELCOME!

By registering with us, you'll be able to discuss, share and private message with other members of our community.

SignUp Now!

***** dreaming.

Online statistics

Members online
0
Guests online
296
Total visitors
296

Emon

Expired Account
Joined
Nov 3, 2014
Messages
838
***** DREAMING: Ano nga ba ito?
Ano nga ba ang ***** dreaming?
Ang ***** dreaming ay yung pagiging aware mo habang natutulog na ikaw ay nananaginip lamang. Ito ay madalas na nangyayare sa REM stage ng Sleep Cycle ng isang tao.
Kapag kasi ikaw ay natulog at nananaginip, hindi mo mapapansin ni wala sa isip mo na nananaginip ka lamang. Pero may mga pagkakataon na tayo ay nagiging conscious na tayo ay nananaginip lamang habang tayo ay nasa loob ng panaginip.
Ayon sa mga eksperto at mga naka-experience na nito, ang mga ***** dreamers ay nakakapag-isip ng malinaw, natatandaan ang kanilang mga identities, at nakakagalaw ng ayon sa kagustuhan nila sa loob ng mundo ng panaginip.
Minsan ang mundo ng panaginip natin, hindi natin malalaman kung ito nga ay reyalidad dahil parang ito nga ay reyalidad at kumpletong kapareha ng mundong ginagalawan mo. Kumbaga, "Life-like".
Sa loob ng panaginip na ito ang mga ***** dreamers ay kayang manipulahin ang kanilang panaginip o ang mundo ng panaginip nila. Kayang manipulahin ang bawat sitwasyon pati na rin ang mga outcome o resulta ng bawat pangyayari sa panaginip. Basta. Lahat lahat.
Malamang ang iba sa atin ay iisipin na para namang science fiction to, pero ito ay base sa resulta ng pag-aaral ng mga mananaliksik. Ayon sa mga eksperto, ang ***** dreaming ay totoo at distinct mula sa typical REM-sleep dreaming. Ang pinakaunang pag-aaral tungk dito ay noong 1975.
Sa mga researches pa na ginawa gamit ang electroencephalograph (EEG) na nagrerecord ng brain waves ng mga ***** dreamers, nalaman nilang ang ***** dreaming ay “a hybrid state of consciousness with definable and measurable differences.â€..
Ano nga ba ang nangyayare sa ***** dreaming?
Maraming mga posibilidad. Pero ang pinaka sigurado ay para sa dreamer, na marerealize nga nyang nananaginip sya. Mula doon almost anything ay pwede na mangyare sa loob ng mundo ng panaginip mo. May mga kwento nga na nakalipad sila sa space at nakapunta sa sun, nagswimming sa apoy doon nang hindi nasusunog at nakipagsex sa mga crush nila, sa kanilang panaginip.
Pero ano nga ba ang mga Benefits o gaano ba kadelikado ang ***** dreaming?
Ang mga benefits na sinasabi ng mga eksperto ukol sa ***** dreaming ay katulad ng pagkakaroon ng mas improved na problem-solving skills, improves memory and self confidence at binabawasan ang mga masasamang panaginip o traumas na dumadalaw sa isang tao sa pamamagitan ng panaginip.
Delikado nga ba ito? Ayon pa rin sa mga eksperto, ang ***** dreaming ay "HARMLESS".. Wala naman tong mga masasamang dulot na pisikal yun nga lang, maaring mapagkamalan mong reyalidad ang panaginip at panaginip ang reyalidad.
Paano mag ***** dreaming?
Sabi ng mga experienced ***** dreamers nagsisimula ito sa pagpe-pay ng attention sa mga pangyayari sa reyalidad —mga experience mo at habits.
Sa pagoobserba ng maigi sa reyalidad magkakaroon ka ng pananaw kung ano mga ba talaga ang reyalidad, sa ganito madali mo na lang malalaman kung ano ang panaginip at hindi. Kasama na dito ang pagkakaroon ng habit na pagtingin sa isang digital clock ng dalawang magkasunod na beses.
Sa mundo kasi ng panaginip, ang oras ay hindi distinct. Kapag napansin mo ang anomaly sa oras, magkakaroon ka ng impression na ikaw lamang ay nasa isang panaginip, at voilà! ***** dreaming na.
Pwede mo ding dagdagan ang ***** dreaming skills sa pamamagitan ng pag-aadjust ng behavior mo. Bago ka matulog, maglaan ka muna ng oras sa pag-iisip ng kung ano mang gusto mong mapanaginipan. Ito ba ay sexuak fantasy kay Kim Dom... Or something na gusto mong gawin katulad ng paglipad o pagkakaroon ng kapangyarihan?
Kung ano man yan, mag focus ka lang dun hanggang sa makatulog ka. Sa mundo ng *****ity world, ang gawain na ito ay tinatawag na "Predetermination" at nagdadagdag ng chances na makapasok ka sa dream na gusto mong pasukan oh kung ano man yang gusto mong pasukan, at ito ay mako-kontrol mo.
———
***** DREAM HAS 3 ELEMENTS
1.) "Déjà Vu: Past life o isang natural lamang na pangyayari?"
Naranasan mo na bang pumunta sa isang lugar for the first time at naramdaman mong nakapunta ka na doon dati pagkat may nararamdaman kang pamilyaridad? May mga tao, bagay o pangyayari ka na bang nakasalamuha o naranasan na para bang nangyare na dati? Yun bang parang napanaginipan mo na?
Well, maaring ang mga pangyayari na yan ay hindi likha lamang ng imahinasyon o kutob —maaring nagawa mo na nga iyon o talagang natural na penomenon laman na likha ng ating utak. Pero paano nga kung ito ay isang o mahahalagang alaala mula sa nakaraan? Gaano nga ba ito katotoo?
Ang terminong "Déjà Vu" ay unang pinauso ng French Psychic at researcher na si Èmile Boirac. Ang termino ay literal na nangangahulugang "nakita na". Ito ay dahil ang mga nakakaranas nito ay tila daw nagkaroon ng pakiramdam na nakita na nila ang isang pangyayari, bagay o tao na sa totoo, ay unang beses pa lang nila nakita.
Sinasabi ng ilan na sa mga pangyayaring ito, nararanasan mo ang past sa present. Common na nangyayari ang Déjà Vu sa mga bata o matatanda, at ayon nga sa mga report, 60%-70% ng tao ay nakaranas na nito.
Ang Déjà Vu ay hindi lamang sa ating mga nakikita. Ito rin ay nararanasan sa pamamagitan ng ating 5 senses o yung ating mga pandama. Hindi lamang sa pamamagitan ng pagtingin sa isang bagay o sa isang pangyayari kundi maari ring sa pamamagitan ng amoy, tunog, lasa at pakiramdam.
Ang mga ito ay ang mga paraan na maaring nagtri-trigger sa ating mga past memory.
Maaring sa ating karanasan, naaalala natin sa pamamagitan ng ating 5 senses yung nga pamilyar na amoy sa ating kabataan na sya namang nagpapaalala ng iyong kabataan, o yung nakita mong mannerism ng isang tao ay nagpapaalala sayo ng isang tao na may kaparehas ng mannerism.
Ang Déjà Vu ay nananatiling misteryo magpahanggang ngayon, simula noong ito ay unang pag-aralan noong 1800s.
Maraming teyorya ukol rito. Isa sa mga teyoryang ito ay sinasabing ang pangyayaring ito, ang Déjà Vu, ay paraan ng pagbibigay ng mensahe ng iyong Higher Self patungo sayo.
Paano kung ang iyong Cosmic Self ay inaalala yung mga memorya sa iyong nakaraan na buhay?
Maaring ang nga alaala na akala natin ay panaginip lamang, kung saan ang mga moments na akala natin ay napanaginipan na natin ay alaala palang nakatago sa ating subconscious mind na natritrigger lamang kapag ang ating senses ay naka-detect ng pamilyar na pakiramdam sa pamamagitan ng ating 5 senses. Ganito diumano ang Déjà Vu. Ang kapangyarihan ng subconscious mind.
Ang mga alaalang nakatambak naman at nakapaloob sa ating subconscious mind ay mga alaala mula sa tinatawag na "Previous Life" .. Ang buhay natin bago pa man tayo mabuhay uli.. Ngunit sa teyoryang itong, kailangan natin ikonsidera na isang katotohanan ang Reincarnation na sya namang misteryo pa din sa nakararami.
Maari din namang ang mga memorya at alaalang ito ay enerhiya na nang-galing sa ibang mundong kaparehas ng atin, parehong arrangement ng mga pangyayare sa cosmic na scale, at ang multiverse... Ang ating bersyon sa mga Parallel Universe.
Kung ito nga ay mga alaala mula sa ating nakaraang buhay, at sandaling pinapakita lamang sa atin upang tayo bigyan ng babala, ang mga moments nga na ganito ay maaring maging makapangyarihan. Kung maha-harness mo ang abilidad mo para i-access ang mga alaalang ito maaring makita mo na din ang hinaharap at misteryo ng mundo.
Sa ganito, maaring malaman natin ang dapat na daan na ating tahakin kung saan naman maaring nagkamali ang ating sarili noon sa ating "previous life"..
Pero hindi pa natin kaya yun. Ang mga pangyayareng ito ay maaring gawa ng ating soul, na binibigyan tayo ng mga clues kung paano natin dapat i-handle ang ating buhay.
Sa larangan naman ng siyensya, ang Déjà Vu ay inaakala na isang defect sa process ng utak kung saan binibigyan tayo nito ng false memories, pero ayon sa pag-aaral ay research ni Akira O'Connor ng University of St.Andrews, UK, ang pagiisip at hypothesis na ito ay mali.
Misteryo nga ang Déjà Vu at kung paano nga ba ito nagpro-process, dahil napaka unpredictable ng nature nito na nagpapahirap naman upang mapagaralan ito ng mga eksperto. Pero nakagawa si Akira at ang kanyang team ng mga paraan para ma-trigger ang Déjà Vu.
Ang paraan ng kanilang team ay ang paggamit ng standard method para matrigger ang mga false memory. Dito, sinasabi sa isang tao ang isang listahan ng mga salita na mga konektado —katulad ng "Bed, Pillow, Night and Dream" — pero hindi yung keyword na magli-link sa mga salita na to together, na sa kaso na to ay ang salitang "Sleep".
Kapag tinanong yung test subject tungkol sa mga salita na kanyang narinig, maniniwala sila na narinig din nilang sinabi ang salitang "sleep"; hence, isang false memory.
Para makagawa ng pakiramdam ng Déjà Vu, tatanungin muna ng team ang mga test subject kung may narinig ba silang ingles na salita na nagsisimula sa letter "s" —sasagot yung test subject(s) na wala silang narinig.
Ibig sabihin, kapag tinanong sila kung narinig ba nila ang salitang "Sleep", matatandaan nila na hindi nila narinig ito, pero yung salita ay pamilyar.
Ito ang pakiramdam o ang nararanasan sa Déjà Vu.
———
Habang isinasagawa ang test o habang nasa pakiramdam ng Déjà Vu yung mga subject, ini-scan naman ang utak nila gamit ang fMRI.
Ineexpect nga nakararami na sa mga ganitong sandali, yung parte ng utak natin na responsable sa pag process ng memorya at alaala ay magiginf active, pero hindi iyon ang nangyari. Nakita ng team nila Akira na ang nagproprocess noon at active ay ang parte ng ating utak na responsable sa decision making.
ano nga ba nangyayari? Inisio ni Akira na yung frontal regions ng ating utak ay maaaring sinusuri ang ating memorya, at nagpapadala ng signals kung may mga memory error —yung conflict sa pagitan ng kung ano talaga ang ating naranasan at yung kung ano yung iniisip natin na ating naranasan.
“It suggests there may be some conflict resolution going on in the brain during déjà vu,â€
—sabi nga ni Stefan Köhler ng University of Western Ontario in Canada.
Isang malusog na pagiisip.
Kung mapatunayan nga ang mga findings na to, sinabi nila na ang Déjà Vu ay senyales na ang kakayahan ng ating utak upang suriin ang ating memorya ay nag pro-process ng malusog at maayos, at nagpapahiwatig na hindi ka madaling makalimot.
Ito nga ay sakto sa atin ngang nalalaman tungkol sa epekto ng pagtanda sa ating memorya —mas karaniwang nangyayari ang Déjà Vu sa mga mas bata at nababawasab ang chance sa ating pagtanda dahil kasabay ng pagtanda ay ang paghina din ng memorya.
Pero sinasabi naman ng ibang eksperto na yung mga tao na hindi talaga nakararanas ng Déjà Vu ay may mas maayos na sistema ng memorya dahil kung walang memory errors, walang trigger para sa Déjà Vu.
———
2.) "Sleep Paralysis: Part 1"
Naranasan mo na ba yung habang natutulog ka sa akala mong mapayapang tulog pagkatapos ng isang nakakapagod na araw, ay nagising ka? Pero hindi sa inaasahan mong gising sa umaga kung saan isang magandang umaga ang naghihintay.
Nagising ka ng dis-oras ng madaling araw. Madilim yung paligid....
..at di ka makagalaw.
Sa pagkakahiga mo ay tila ba may umaaligid sa paligid mo.
Pero hindi ka makagalaw. Naramdaman mo ang bigat sa iyong dibdib kaya hindi ka makatayo at nahihirapang huminga. Ang masama pa, hindi mo maigalaw ang iyong katawan. Ni ang mga labi mo para humingi ng tulong o sumigaw.
Hindi ka sigurado kung sino yung tila tumutulak sa dibdib mo. Masyadong madilim. Pero alam mong meron. Alam mong may umaaligid sa paligid. Isang demonyo? Multo? O isang nilalang na mas nakakatakot pa rito?
Ang mga ito ay halimbawa lamang ng isang karanasan habang ang isang tao ay nasa "sleep paralysis".. Nakakatakot, oo. Isang karanasan na ayaw mo nang mangyari sa'yo uli. Isang karanasan na tila magbibigay sa'yo ng takot sa pag tulog.
Ito ay karaniwang nangyayari sa bawat tao. At nakakatakot man, normal lamang ito.
Wala ding demonyo, multo o nakakatakot na nilalang. Pagka-nakawala ka na sa sleep paralysis normal na uli makikita mo. Wala na yung distorted na reality kung saan nakita mo sa 'yong panaginip.
Ang mga ganitong karanasan ay common nga lang. Sa pag-aaral noong 2011, nalaman na 7.6% ng tao ay makakaranas ng sleep paralysis sa buhay nila dito sa mundo.
At 40% naman sa mga tao na may narcolepsy.
Marami nga sa atin ang hindi alam o hindi maipaliwanag ang karanasan na ito. Ang alam lang natin ay ang pangalan nito at ang mismong epekto. Pero kung paano at bakit? —maraming tao nga ang hindi nakakaalam.
Kahit nga may solid scientific explanation ang karanasang ito, marami pa din sa mga tao ang nahihirapan tanggapin ito. Para kasing totoo yung pakiramdam na sadyang mahirap tanggapin ang siyentipikong paliwanag.
Nakakaapekto nga ang pang-kultura, relihiyon, esoteric at mga paniniwalang personal sa kung paano ka makakaranas ng sleep paralysis. At kung malalaman mo yan, malalaman mo kung paano nga ba ang mga gagawin sa sandaling makaranas ka uli.
Ano nga ba ang dahilan ng sleep paralysis? – Ang scientific explanation
Ang mga dahilan ng aspetong pisikal ng sleep paralysis ay mejo magkakaiba depende sa kung anong stage ng pagtulog mo ito naranasan:
–Kapag matutulog.
Ang ibang tao ay nararanasan ang sleep paralysis kapag sila ay matutulog na o nakatulog na ng ilang sandali pa lamang. Habang ikaw ay patulog na, ang ating katawan ay natiral na nagre-relax na at ikaw ay mawawalan na ng malay.
Pero kung ikaw ay nananatiling may malay o kamalayan habang habang patulog ka na, ang isip mo ay kayang mapanatiling alerto habang ang iyong katawan ay nagshu-shutdown na.
–Sa pag-gising.
Pwede din mangyari ang sleep paralysis kapag ikaw ay nagising. At ito nga ang kadalasang karanasan ng mga taong nakaranas ng sleep paralysis.
Sa gabi na ikaw ay nagsa-cycle sa iba't-ibang stage ng pagtulog. Habang nasa tinatawag ng mga eksperto na "Rapid Eye Movement (REM) Stage" nananaginip tayo ng mas malinaw. At ang ating utak ay tila niswi-switch off ang ating mga muscle para hindi tayo gumagalaw habang nananaginip na sya namang maaring maging delikado kasi baka masaktan ka.
Kapag nagising yung malay mo, pero ilang sandali pa bago ma-regain ng katawan mo yung physical control nito, ito ay gumagawa ng pakiramdan na parang ikaw ay paralyzed. So pwede mong isipin na ang sleep paralysis ay delay lamang sa katawan at brain coordination nito.
Pero bat nga ba nakakakita tayo ng mga kakaibang imahe, nakakaramdam na parang may umaaligid sa paligid, at nakakarinig ng kung ano-anong mga tunog?
Naipaliwanag nga ng siyensya kung ano at bakit nakakaramdam tayo ng pagka-paralisa pero paano nga ba ipapaliwanag ng siyensya yung mga naririnig, nakikita at nararamadaman habang paralisado ang ating katawan?
Yung pakiramdam na tila may intruder na umaaligid sa paligid mo. Na may sleep paralysis demon na tinutulak yung dibdib mo, o sinasakal o gumagawa ng iba pang hindi maganda sa katawan mo.
Ito nga ba ay Out-of-the-body experience?
Well, habang nasa REM stage kasi ng pagtulog, naapektuhan ng pagkaparalisa ng muscle yung paghinga natin. Mas nagiging mahirap huminga at kapag sinubukan mong huminga ng malalim, hindi mo magagawa.
Ang ating utak ngayon ay mami-misinterpret ito na tila ba may sumasakal sa atin or of some sort.
Kapag tayo ay nasa estadong vulnerable at nakakaramdam ng panganib, agad agad nagkakaroon ng reaction ang ating katawan gamit ang fight and flight defense mechanism. Halimbawa, kapag naramdaman natin na parang may gustong umatake sa'ten at nagkakaroon tayo ng tinatawag na adrenalin rush na nagpapabilis ng tibok ng puso natin. So kung nagising tayo at hindi makagalaw, at nasa hyper-vigilant state na lahat nang nase-sense mo ay exaggerated, na iisipin mo na yung dahilan bakit hindi ka makagalaw at makahinga ay dahil sa may masamang nangyayari o mangyayari. Dagdag pa rito, may ibang mga brain structures na pwedeng mag interact para makagawa ng hypnagogic hallucinations.
Halimbawa, sa mga tipikal at common na kwento ng karanasan ng isang tao ukol sa sleep paralysis, may intruder diumano o mala-demonyong nilalang. Ang mga hallucinations ay hindi naman kailangan mag-take ng kung anong particular form. Pero kapag ang threat system ay gumana na, pwede natin ma-misinterepret yung pakiramdam na may nagbabadyang panganib — na gumagawa naman ng mga hallucinations sa porma ng kademonyohan o ano man masasama.
Yung out-of-thr-body experience naman ay hindi sa threat system. Ito ay maipapaliwanag sa pamamagitan ng mga parte ng ating utak na involved naman sa coordinating movement na gumagana kapag ang ating katawang pisikal ay nasa space.
Ayon sa mga researchers, ang out of the body experience ay isang porma o uri lamang ng hallucination na dahil sa neurological mechanism.
Ang mga panaginip din at nightmares ay maaring magoverlap sa reyalidad, na nagdudulot naman ng pagkalito. Kapag nagising ka mula sa isang panaginip pero paralyzed ka pa din at the same time, minsan, yung panaginip natin ay nagooverlap sa reyalidad pagkagising natin at akala natin, totoo pa rin ang nakikita natin.
So maaring nabuksan mo na yung mata mo pero nakakakita ka pa rin ng mga weird na bagay o minsan pa nga eh nakakatakot na pinapanaginipan mo lang at hindi ka aware na panaginip lang yun na nag-overlap lang sa reyalidad.
So halimbawa, maaring nanaginip ka ng tungkol sa isang strange na nilalang, tapos nagising ka at na-sleep paralysis, at nakikita mo pa rin yung strange creature na yun na malapit sayo, pero ngayon eh nasa kwarto mo na instead dun sa panaginip na nararanasan mo kani-kanina lamang.
Tapos magdadagdag ng mga physiological elements katulad ng mga naipaliwanag sa taas at meron ka nang ingredients kung paano nagwo-work ang sleep paralysis. Kung hindj mo alam paano ito nangyayare at bakit ito nangyayare maaring matakot ka pero ngayon na alam mo na, hindi ka na matatakot.
———
"Sleep Paralysis: Part 2"
Sa unang parte, pinaliwanag natin sa field ng siyensya ang sleep paralysis, ngayon naman tatalakayin natin ang sleep paralysis at mga paniniwala rito; ang mga paliwanag dito na hindi scientific.
Kung hindi ka naniniwala sa scientific explanation at tila para sayo eh kulang pa ito, naririto ang ilan sa mga paliwanag sa larangan naman ng supernatural o mga paniniwala:
A. Ang Intruder:
Kapag nagising sa kalagitnaan ng gabi, at naramdaman mong may presensya ng isang tao sa paligid, ang pinakamadaling paliwanag ay, dahil meron naman talaga. Hala ka.
Kung hindi ka paralyzed, may mga paraan para malaman mo kung talaga ngang may ibang tao sa paligid mo —pwede mong hanapin, saka mo hatawin ng baseball bat +9.. Pero ibang usapan na kapag paralyzed ka.
Kung seryosong usapan, nangyayari talaga to sa ibang tao. Pero ang maganda naman kahit na unfortunate, eh madalang lang. Hindi normal na may mga akyat bahay o magnanakaw na kayang iparalyze yung katawan mo at saka sakalin ka habang sila ay nagnanakaw.
So kung ikaw ay paralyzed, at may naramdaman kang parang may ibang tao na umaaligid sa paligid, safe naman nag mag-assume na wala naman talaga. Kasi sleep paralysis lang yun.
Pwera na lang kung talagang malas ka na nung nagka sleep paralysis ka eh may nangyari ding nakawan sa bahay mo. Sobrang malas mo naman nun.
B. Ang Demonyo
Kung ikaw ay naniniwala sa mga kababalaghan at supernatural na mga pangyayari o nilalang, siguro at maaring wala ngang mga siyentipikong paliwanag ang magpapakumbinse sayo na common lang ang mga pangyayari katulad ng sleep paralysis.
Pero nasasayo naman yan.
Ang gusto lamang ipabatid ay: kapag nakaranas ka ng sleep paralysis, hindi ba mas komportable na isipin na hindi naman talaga mga demonyo ang nakikita mo kundi hallucinations lang na may mga paliwanag ang siyensya?
Sa ganito hindi mo na kailangan magpanic dahil may alam ka ay mas hindi ka matatakot sa mga karanasang ito. At dahil di ka nagpapanic, may alam ka kung paano makawala rito.
Pero hindi mo din naman masisi ang mga tao. May mga paniniwala kasi sa buong mundo at sa lahat ng panig nito tungkol sa sleep paralysis.
Halimbawa, sa Fiji, yung demon ay kadalasang yung namatay na kamag-anak na bumabalik dahil sa mga unfinished business o para sabihin sa isang tao ang isang mensahe. Sa Chinese folklore naman, ito ay multo at hindi demonyo.
Dito naman sa atin sa Pilipinas, pinaniniwalaan na ito ay dahil sa bangungot. Isang malaki at matabang demonyo na dumadagan sa atin twing tayo ay natutulog dahilan para di tayo makahinga.
Sa ibang bansa katulad ng Iran ay Pakistan, itinuturing naman ito bilang isang demonyong na sumasapi sa katawan ng isang tao na dahil naman sa ginagawang black magic ng kaaway. Sa paniniwalang Turkish naman, ito ay isang nilalang na umuupo sa iyong dibdib at kinukuha ang iyong hininga.
Ang ibang mga bansa nga ay may kanya-kanyang mga paliwanag ukol sa sleep paralysis demons —ang iba ay magkakaparehas lang, at sa iba naman ay bahagyang iba.
C. Out-of-the-body experience o Astral Projection.
Ang astral projection ay ang ideya na maaaring humiwalay ang ating kaluluwa sa ating katawan at maglakbay sa astral plane o ibang dimensyon.
Maraming mga tao nga ang nagke-claim na naranasan na nila to. At puno nga ang internet ng mga paliwanag at kwento tungkol dito at sa mga tao na sinasabing humiwalay sa katawan nila ang kanilang mga kaluluwa.
Walang mga arguments o disagreement na may mga tao talaga na nakakaranas ng out-of-the-body experience habang nasa estado ng sleep paralysis. Ang punto ay kung ito ba ay maipapaliwanag sa biological na termino o may mga realm lang talaga na di natin naa-access.
Ito nga ay katanungan ukol sa paniniwala.
Maraming nga website sa Internet na sinasabing ang sleeo paralysis nga ay nay biological cause, katulas na lamang ng paliwanag ko sa Part 1, pero maaring magamit din bilang springboard para subukan ang astral projection.
May mga tao ngang may mga kwento kung paano nila ginawang ***** dreaming o astral projection ang sleep paralysis. Pero ibang usapan na yun. Pero kung gusto mo gagawan ko ng article yun.
Mababasa mo sa mga akda ng mga taong nakaranas na nito kung paano nga nila dini-deal ang sleep paralysis at paano nila ito ginagawang ***** dreaming o astral projection. Ginagawa nila yung negative na karanasan bilang positive.
Ang piliing paniwalaan ang astral worlds na kung saan maari kang lumipad at gawin ang gusto mo ay hindi naman ata harmless. Wala namang nasama rito.
•PAANO NGA BA MAPIPIGIL ANG SLEEP PARALYSIS?•
Isang magandang balita na ang sleep paralysis ay common sa halos lahat ng tao kaya hindi na kailangan pa ng masyadong treatment para dito.
Pero kung paulit-ulit at tingin mo ay hindi na normal na nakakaapekto na ng lubha sa'yong normal na buhay, eh mas mabuting kumunsulta ka na sa isang espesyalista. Ito ang mga main option na tipikal nilang kinokonsidera:
•Maaring i-refer ka nila sa isang sleep specialist para malaman kung may posibilidad ba ng Narcolepsy.
•Maaring mag prescribe sila ng antidepressants medication sa maikling sandali katulad ng Clomipramine na naga-alter ng REM sleep, na nakakatulong para mabawasan ang paralysis at hallucinations.
•Maari nilang ikonsidera na baka may underlying mental illness kung ikaw ay nakakaranas pa rin ng mga hallucinations kahit gising ka na.
•Ipapaliwanag nila ang mga biological process na naipaliwanag ko na sa Part 1, sa pag-asa na kapag nalaman mo ang mga ito ay maaaring makatulong para tanggapin na normal lamang ito.
•Maaari ka din nilang bigyan ng mga Healthy Sleeping Habits, na makakabawas naman sa maraming sleep problems.
•MGA TIPS AT PARAAN UPANG MAPIGIL ANG SLEEP PARALYSIS •
Ang mga sumusunod ay ang mga maaaring paraan upang mapigilan o maiwasan ang sleep paralysis:
•Iwasan ang sleep deprivation.
•Magkaroon ng regular na routine sa pagtulog at pag-gising.
•Bawasan ang ang stress at anxiety sa buhay mo. Ito kasi yung minsan factor kung bat ka nagkaka-sleep paralysis.
•Kalma lang at wag magpanic.
•Subukang galawin ang isang daliri sa kamay, kadalasan ay yung hinliliit o pwede ding yung hinlalaki sa paa. Kapag naigalaw mo na ito unti unti mo nang igalaw yung daliri sa kamay mo hanggang yung buong kamay mo na at magigising mo na yunf buo mong katawan.
•Sabihin mo sa sarili mo na ikaw ang may control nito. Pwede mong utusan yung experience na tumigil, o yung kung amo mang mga nakikita mo na mawala sila.
•Kapag naramdaman mong may mabigat na nakapatong sa dibdib mo, mag-isip ka ng magagandang bagay na maaring nagdulot nun.
Halimbawa, pwede mong isipin na hindi ka na flat chested, at tinubuan ka na ng malaking boobs.
O kaya naman nakapatong sayo si Kim Domingo.. The rest? Ikaw na bahala mag imagine. Wet dreams na this.
•Wag ka magisip ng masama. Wag mong isipin na may mga demonyo o kung ano-ano man yan na nagdudulot ng sleep paralysis.
•Try to relax at go with the flow. Minsan masarap panuorin yung mga hallucinations, mukha silang mga tanga. Malay mo makapag astral projection ka pa ng di sadya.
•Wag kang matulog na naka-dapa.
•Subukan mong ayusin ang kwarto mo na kapag nakita mo eh maiisio mo magrelax at maramdaman monf safe ka at secured.
•Alisin mo yung mga damit na naka-hanger o nakasampay kasi maaring gumagawa ito ng figure kapag madilim na.
•Iwasang magbasa bago matulog.
•Mas makakabuti kung matulog ka na bukas ang ilaw at may music or may bukas na radio so kapag nagising ka eh hindi tahimil at madilim na kapaligiran ang makikita mo.
•Ipaalala mo palagi sa sarili mo na walang mangyayaring maaama. Magisip ng mga masasaya bago matulog.
•Isipin mong yung katawan mo ay gumugulong from side to side at bawat gulong eh bilangin mo. Maya-maya malalaman mo na lang na na-gain mo na yung control sa katawan mo.
Magfocus ka lang sa parte na to at subukang palakihin pa yung capacity ng movement.
•Magbikang ka ng mga numero para mawala yung focus mo sa mga hallucinations
•Wag matulog ng may mataas na unan.
•Pumikit ka instead na magfocus ka sa mga hallucinations.
•uminom ng tubig.
•Kapag nakawala ka na sa sleep paralysis, tumayo ka muna para mareset yung utak mo.
•Maraming tao ang sinasabing nakakatulong ang prayer, so kung di ka naman atheist, mag pray ka.
•Wag ka magtake ng recreational drugs
•Kapag na overcome mo to, maging proud ka sa sarili mo, at kapag tumagal tagal, di ka na matatakot dito.
......
Note: Hindi nakakamatay ang sleep paralysis except na lang kung magkoon ng mga complications.
———
3.) ASTRAL PROJECTION
Totoo nga kaya ang ang Astral Projection?
Magmula nga noong unang panahon, magpahanggang ngayon, may mga paniniwalaang mga paniniwala tungkol sa kakayahan ng isang idibidwal na makaranas ng "Out-of-the-body Experience". Naniniwala sila na kaya nating iwan ang ating katawan habang tayo ay natutulog.
May ilang philosophers din na naniniwala na kaya nating mag-absorb ng cosmic intelligence sa pamamagitan ng mga visions at mga panaginip habang ang isang indibidwal ay naga-Astral Projection.
Ang Astral Plane, ayon sa mga eksperto, ay isa sa dalawang planes ng ikalimang dimensyon; dito nangyayari ang mga panaginip, at kung saan pumupunta ang mga namatay na. Meron ding mga mysyical teachings dito.
Ayon pa sa kanila, pwede mong makita o makasalamuha ang mga ibang spiritual beings dito, makadiskubre ng mga sikretong kaalaman, makilala ng lubusan ang sarili, makita ang mga depekto at kamaliang pang-espritwal sa'yo, magkaroon ng kaalaman tungkol sa kamatayan, awakening, madiskubre ang layunin mo sa buhay o kung bakit ka nabubuhay, malaman kung anong nangyayare sa kamatayan at iba pa..
Ang astral projection ay isang pagyayaring karaniwan na sa ating mga tao. Ito ay totoong nangyayari diumano sa'tin. Makikita nga natin ang ating sarili sa ibang dimensyon, sa labas ng pisikal na mundo. Kung saan pwede kang makalipad, tumagos sa mga bagay-bagay, makakilala ng iba pang spiritual beings at makapaglakbay.
Sa kilalang teyorya tungkol rito, sinasabi na ang ating astral body ay konektado pa din sa ating katawan sa pamamagitan ng metaporikal na tali o cord, kung saan kinokonekta nito ang naglalakbay na kaluluwa sa pisikal na katawan.
Ayon sa mga survey, 8% hanggang 20% ang mga taong nagsasabing nakagawa o naka-experience na ng Astral Projection kung saan ang kanilang Astral Body ay lumalabas sa kanilang mga katawan.
Ang iba ay nagawa nga ito sa pamamagitan ng pagtulog na common namang sinasabi, ang iba'y sa pamamagitan ng Hypnosis, at ang iba naman ay sinasabing basta nagre-relax lamang sila.
Ano naman masasabi ng siyensya ukol rito?
Mahirap ngang malaman kung totoo ba ang Astral Projection o hindi. Wala kasing paraan, bilang unang problema, kung paano malaman kung ang tao nga ba ay may "Soul" o "Spirit" at kung meron man, paano nga ba ito susukatin? Kahit siguro mga theoretical physicist na sumusukat ng mga celestial bodies sa ating universe at sa cosmic level gamit ang theoretical means katulad ng Mathematics, ay hindi alam ang katotohanan ukol rito. Kung hindi nga malalaman kung talagang nage-exist ang soul, edi gayon din na hindi malalaman kung talagang nakakalabas ito ng katawan.
Kaya sabi ng mga siyentipiko, sila lamang ay sadyang nananaginip lamang.
Itinuturing lamang ng mga Skeptic na nananaginip lamang ang mga Astral Travelers. Ngunit para sa mga Astral travelers, ang kanilang karanasan ay totoo dahil napakalinaw ng lahat at pare-pareho ang kanilang mga karanasan. Pero sabi ng ilang siyentipiko, hindi na nakapagtataka na pare-pareho sila ng mga karanasan. Ito daw ay tinatawag na "Guided Imagery": kung saan kung ano ang sinasabi ng Authority tungkol sa dapat nilang maranasan, ay iyon naman ang kanilang nararanasan.
Ang panaginip kasi ay isang subjective realm na kabaliktaran naman ng ating mundo na isang objective at random. Dito, ang kapangyarihan ng suggestion ay malakas, at ang tao na sinabihan ng authority na makakakita ng Alien o Godlike entity na magbibigay ng cosmic wisdom sa kanya, ay yun din ang makikita nya.
Makikita ring problema na itong paglalakbay na ito at paglabas sa katawan ay totoo. Ayon sa mga pananaliksik, yung mga nakaksubok ng ganito ay hindi makapagbigay ng akmang impormasyon o di kaya'y malinaw lamang na impormasyon ukol sa kanilang karanasan at paglalakbay sa mundo o sa paligid habang nasa labas mg kanilang mga katawan.
Kasi, kung ito man ay totoo, makakatulong to ng malubha sa mundo. Hindi natin kailangan gumastos ng malaki para makapunta sa Mars o di kaya hanapin yung mga terorista at personalidad na banta sa sangkatauhan gamit lamang ang Astral Projection. Makakatipid ang gobyerno ng malaki. Pwede rin na pumunta tayo sa West Phil Sea at suriin ang lugar ng di na gumagamit ng mga machine o seacrafts.
Sa pagaaral, sinabi ni Susan Blackmore, isang researcher, na yung mga taong nagsasabi na sila ay may karanasan na nga sa Astral Travel, ay napag-alaman na may mataas na score sa mga Hypnotizability, at sa iba pang survey, ay sa measure ng absorption; ang measure sa tao ukol sa kanyang abilidad sa pagbibigay ng kumpletong atensyon sa isang bagay, at maging hook o ma-immerse dito kahit na di naman talaga ito totoo, katulad ng mga kwento sa mga libro o nobela, movies or sa mga imagined event.
Ang mga taong ito ay may mataas na level ng imagination, suggestible, creativity, at prone sa mga fantasy. Sila din ay may mababang level sa paggamit ng drugs or alcohol at may mas mababang chance na magkaroon ng mental illness kesa sa ordinaryong tao.
 
parang iba ang explanation ng sleep paralysis dito boss hehe.. pero salamat na rin sa tips.

sleep paralysis: yan yung nasa kalagitnaan ka ng pagkakahimbing ng tulog tapos biglang parang mag lalock ang buong parte ng katawan mo at di ka na makagalaw ang worst minsan di ka makahinga.

matagal ko ng kalaban ang sleep paralysis na yan. solution lang jan relax.

based on my xp ito mga factors kaya nararansan yan:
1. stress
2. natutulog ng busog/ sobrang busog
3. ntutulog ng sobrang pagod

ito dapat mong gawin kapag tinatamaan ka nito.

dahil nga sa tinamaan ka na at di ka na makagalaw kalma ka lang. wala talagang gagalaw kahit daliri mo sa kamay. di ka rin makakasigaw kasi di mo mabubuka bibig mo at kahit mata.

pilitin mong galawin ang mga daliri mo sa paa hangang sa magalaw mo na nang tuluyan ang iyong paa. Yes! paa lang ang kaya mong maigalaw sa ganyang state.

sana makatulong sa mga tulad kong may ganitong di pangkaraniwan na nararanasan.


mag dasal ka rin bago matulog :)
 
***** Dreaming is not applicable to anyone.. swerte kalang kung magka ***** dream ka but in reality youll end up in sleep paralysis where di mo magalaw katawan mo habang naka bukas yung mga mata mo tapos half awake half sleeping ka so may mga hallucinations, most cases is may demon daw na mag vivisit sa kwarto mo at di ka makagalaw dahil yan sa takot mong hindi ka makagalaw at gagawa ang utak mo ng imahe dahil sa takot.. sa akin lang di ako ng try ng ganyan dahil for personal reasons . gusto kong maka tulog ng maayos in the future. ito link ng naka experience ng sleep paralysis saka you can have more knowledge doing research http://io9.gizmodo.com/a-victim-of-sleep-paralysis-recreates-his-visions-in-ph-1528022524 nakaka interest ang topic na ito
 
Back
Top