What's new
PinoyTechnician

This is a sample guest message. Register a free account today to become a member! Once signed in, you'll be able to participate on this site by adding your own topics and posts, as well as connect with other members through your own private inbox!

[HELP] acer aspire v5 122p no display

jjaayyaarr2000

Registered
Joined
Apr 16, 2016
Messages
155
Reaction score
7
Points
1
Location
Robinsons lg lifehomes pasig city
Mga sir baka pwede makahingi tulong para maayos acer aspire v5 122p ko bigla nalang po kasi ayaw na magdisplay pero nag oon naman at tuloy tuloy ikot ng fan. Una po kasing nagyari nag auto update po yung windows tapos nagprompt yung restart, nirestart ko naman pag on nya ala ng display as in walang ilaw yung screen. Nitry ko na rin po tanggal battery hold power button at f12 para ma drain o reset bios saka tanggal at kabit ng cmos battery pero ganun padin po. May time po na iilaw yung screen at magdidisplay acer logo at natyambahan ko pa nga ma enter bios ni set ko sa default setting pero pag restart no display nanaman. Nilinis ko na rin ram pati tinanggal harddisk black screen parin talaga. Sana matulungan nyo ako baguhan palang po ako.. Yung laptop pa naman na to gamit ko sa trabaho, ngayon po hindi muna ako makakapasok kasi po sa totoo lang sa programming talaga linya ko sa madaling salita sa mga software palang po ako may alam pag dating sa mga reheat, hinang mahina pa po ako dyan, yung kasama ko po sa shop ang nag hahardware pero sa mga phone lang po yun may alam sa laptop hindi nya po kaya. Sana may malapit po dito sa pasig. :(
 
sir try mo munang mgconnect ng external monitor kung good display sa external ...silipin mong maigi ang lcd monitor..kung my display pero walang backlight ..focus ka sa backlight ng laptop ... bka disconnected ... saka ka pumunta sa inverter kung good namn ang backlight mo ...
 
Sir jhe sa rosario pasig po ako. Dito din shop namin sir sa rosario. Wala pa kasi ako pamalit na laptop medyo matumal pa sa shop namin kasi pasukan estudyante kaya paparepair nalang muna to kesa bumili bago.
 
kung malapet ka lang sir? matu.lungan kita hehehe kahit
pang coffEe lang paitsss na ako :) hehehehe
 
try mong magpalit ng ram sir, before proceed sa replacinng ng ram try mo munang kabitan ng monitor yang laptop
kung walang display 100% ram po ang may problema tyaka pakicheck narin kung yung fan eh umiikot ba
 
try mong magpalit ng ram sir, before proceed sa replacinng ng ram try mo munang kabitan ng monitor yang laptop
kung walang display 100% ram po ang may problema tyaka pakicheck narin kung yung fan eh umiikot ba

Sir umiikot po tinry ko ngayon may nagpa reprogram kasi ng laptop e ddr3 din ayaw pa din po mag display pero binalik ko yung ram ko nagdisplay naman tapos na enter ko pa bios nung nirestart ko para enter ng windows ala nanaman display naka ilan palit narin ako ram:-(
 
nagtry ka na ba mag palit ng hdd temporary?? chances are.. di lang naman sa ram ang problema ng di pag display.. minsan sa hdd... try mo lang naman or kung kaya mo mag baklas ng unit.. daanin sa linis lahat ng components baka maremedyohan pa
 
Back
Top