WELCOME!

By registering with us, you'll be able to discuss, share and private message with other members of our community.

SignUp Now!

Mga masamang epekto ng paninigarilyo

Online statistics

Members online
0
Guests online
296
Total visitors
296

floater16

Registered
Joined
Mar 18, 2018
Messages
46
Totoo ang babala na nakasulat sa mga pakete ng yosi: CIGARETTE SMOKING IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH. Ang paninigarilyo ang nakakasama sa iyong kalusugan sa maraming paraan. Ang mga epektong ito ang dahil sa iba’t ibang lason na nasa sigarilyo, gaya ng nicotine (isang nakaka-addict na kemikal), carbon monoxide (na sya ring kemikal na nasa tambutso ng mga sasakyan), hydrogen cyanide (kemikal na nasa mga bomba) at iba pa. Suma total, may 400 na iba’t ibang uri ng lason sa karaniwang sigarilyo.
Bawat oras, sampung Pinoy ang pinapatay ng paninigarilyo.
Isa-isahin natin ang mga masamang epekto ng paninigarilyo. Pinakasikat sa kanilang lahat ay ang lung cancer o kanser sa baga. Mahigit 80% porsyento ng lahat ng lung cancer ay maiuugnay sa paninigarilyo. At hindi lamang kanser sa baga ang hatid ng yosi. Marami pang ibang kanser ang maaaring maidulot ng paninigarilyo, gaya ng kanser sa bibig at lalamunan, kanser sa pantog, kanser sa bato, kanser sa tiyan, kanser sa matris, at iba pa!
Hindi lamang kanser ang dulot ng paninigarilyo, ito’y nagpapapataas ng probabilidad na magkaroon ng atake sa puso (heart attack) at iba pang uri ng sakit sa puso at mga ugat ng dugo (vascular diseases).
Ang paninigarilyo ay sanhi ring ng COPD, isang malubhang sakit sa baga na may sintomas ng ubo, plema, hapo, hirap sa paghinga, at panghihina. Pinapalala rin ng sigarilyo ang iba pang mga sakit sa baga gaya ng hika (asthma).
Sa mga babae, ang paninigarilyo habang buntis ay maaaring makasira sa pagbubuntis at panganganak; maaaring maagasan o mapaaga ang pangangak ng sanggol at magdulot sa kanyang kamatayan. Sa mga lalaki naman, ang pagyoyosi ay maaaring magdulot sa pagkabaog, kawalan ng abilidad na patigasin ang ari (impotence), at kanser ng ari ng lalaki (penile cancer).
Bukod rito, marami pang sakit ang naiuugnay sa paninigarilyo. Ang yosi ay nakakapagsanhi rin ng bad breath o mabahong hininga at madilaw ng ngipin.
Pag ika’y naninigarilyo, damay pati pamilya mo!
Kahit hindi sila naninigarilyo, kung nalalanghap nila ang usok sa paninigarilyo mo ay dinadamay mo ang iyong pamilya sa mga panganib na hatid ng paninigarilyo. Ito ay tinatawag na “second-hand smokeâ€. Napag-alamang mas ubuhin at hikain ang mga anak ng taong naninigarilyo. Ang “second-hand smoke†rin ay nakakasanhi ng kanser, pulmonya, impeksyon sa tainga, mga problema sa paghinga, at marami pang ito.
Tunay nga na kahit isipin mo na lang ang kapakanan ng iyong pamilya at mga taong nakapalibot sayo, ito’y mabigat na dahilan na upang itigil ang paninigarilyo. At kung ikaw ang padre de pamilya o nagtatrabaho para sa iyong mga minamahal, ang pinakamasang epekto ng iyong paninigarilyo sa kanila ay ang pagmatay mo mismo mula sa mga masasamang dulot ng yosi.
Iisa ang mabigat na mensahe ng lahat ng katotohanang ito: Tigilan na ang paninigarilyo!
 
Back
Top