WELCOME!

By registering with us, you'll be able to discuss, share and private message with other members of our community.

SignUp Now!

Technician or Scammer

madam_tech

Deleted
Joined
Apr 10, 2016
Messages
76

:-hshare ko lng po etong narinig kong kwentuhan ng mga elitistang ka-baryo namin.
last wednesday po, may mga nag-ikot po daw na technician ng cp at tablet (nasa edad 35+) sa lugar namin.
dalawa grupo po daw sila ayon sa isa sa mga nakausap nilang technician,
yung isa pong grupo ay nasa kalabit baryo lng daw.
hindi ko na po mapigilan sarili ko kaya nag usisa na po ako tungkol dito.
napag-alaman ko na ilan lng pala sa kanila ang naayos na unit, puro palit lng po daw ng battery.
ung iba daw program lng daw problem kaya dadalhin na lang nila, pinakita pa daw sa kanila ung mga unit na bumubukas pero ayaw lng po tumuloy.
napag-alaman ko rin na tangay pla nila ung unit ng ibang customer at may hiningi pa daw na pera pambili ng piyesa.
ang problema nitong mga kabaryo ko po eh, HINDI na daw nila nako-kontak ang mga technician na iyon.

eto po ang tinanong ko sa mga nakausap ko:
bakit po kayo nagpagawa sa mga nagwalk-in na technician?
sagot: "mura kasi alok nilang repair (200petot), at para hindi na kami lumayo, para hindi abala" at kung ano pa.

hindi po ba kayo kampante sa mga technician na may pwesto?
sagot: "mahal kasi dun, mukhang okey nman sila kausap, nagbigay pa nga sila ng contact # at
nakita ko nman na nagawa ung isang unit" (pinalitan ng battery)

may nakita po ba kayong ginagamit na aparato(multi-tester) na ginamit po sa pagtest sa mga unit nyo?
sagot: "hindi daw sila nag nagdadala ng ganun kasi puro program daw at battery lng daw kadalasang sira,
kaya precision tools at pang hinang lng daw dala nila lagi".

ang lufet po pla ng mga technician na eto at hindi na po kailangan ng tester sa paggawa.[-X[-X[-X

huling tanong ko, ok naman po ba yung pinalitan ng battery, wala po bang naging problema?
sagot: "yun nga eh, nang malobat hindi na nagcharge"


sabi ko po sa kanila, wala pong cp/tablet technician ang hindi nagdadala ng kanilang aparato(multi-tester).
ihalintulad nyo nlan po yan sa titser na ang dala lang ay pambura.
sa loob-loob ko lng, ang mamahal ng unit nyo pero nagtitipid kayo sa pagpapagawa.

sa akin lang po, sa mga nagiikot na technician gawin nyo nlan po ng tama ang trabaho at hindi nangloloko ng customer..
hindi ko po sinasabi na lahat ng nagiikot ay nanloloko, (yung ex ko lang yun manloloko)X(X(X(
marami din sa kanila ang gumagawa talaga ng tama.. (nasan ka na forever ko!)=((=((=((

ano po ang opinyon nyo..
technician ba o scammer lng talaga????


MERRY CHRISTMAS TO ALL!!!
 
scammer or technician basta walk in walang pwesto dapat walk out na kayo dyan sabihin natin marunong gumawa pag binuksan ang unit at di nagawa sabihin sayo may bibilhin na piesa kailangan dalhin ipapadala mo ba yung unit kasi nabuksan na nya at wala syan piesa na dala hahaha ang galing naman mag isip tapos hihinge pa ng down payment pambili ng piesa kunyari mag bibigay ng kontact # para makuha ang loob na kausap pero sa bandang huli di naman makontact bye bye na ang unit at pera ni tumer.maganda parin mag pagawa sa may pwesto sigurado nandyan ang pwesto di aalis.makiusap lang kung talagang kulang sa budget poydi naman gawan ng paraan.
 
ah diskarte yan heheheheheheh mala lupin

ah diskarte yan heheheheheheh mala lupin
 
dati bahay lang ako ngaun mall n hehehehehe

dati bahay lang ako ngaun mall n hehehehehe=))=))=))
 
mudos lang siguro yon...ang talagang trabaho nila eh pagnanakaw kasi di na sila makontak eh...lalakas ng loob nun
 
mudos lang siguro yon...ang talagang trabaho nila eh pagnanakaw kasi di na sila makontak eh...lalakas ng loob nun


siguro nga po, buti sana kung ganun lng gawin. paano pa kaya kapag nanloob sila ng bahay, katakot naman..:-SS
 
madali naman po tumawad.. at wala masama sa tawad,,...

minsan tulad ko may price allowance ang presyohan ko kaya

kung tumawad si tomer may maibibigay akong discount...

kesa dun mura nga... di mo na pla makikita cp mo..

parang si kwan lang matapos kuhain ang loob mo iiwan ka rin pala.. hahahahah
 
Back
Top