WELCOME!

By registering with us, you'll be able to discuss, share and private message with other members of our community.

SignUp Now!

Chicken Sprite Kung Tawagin.. Masarao Po Ito Sa Pasko. Kung Walang Pambili ng Hamon:)

Online statistics

Members online
1
Guests online
238
Total visitors
239

= CyberSlave =

Registered
Joined
Jun 12, 2014
Messages
1,091
Chicken Sprite Kung Tawagin.. Masarao Po Ito Sa Pasko. Kung Walang Pambili ng Hamon:)


Ingredients:
1 Large Whole Chiken
1 Bottle Sprite 500ml ( kung mas malaki ung manok ung malaking sprite na )
1 Head Garlic, minced
1 Large Onion, minced
Paminta
3 Tbsp soy sauce ( Toyo )
3 Tbsp Ketchup
50 grams oyster sauce or 3-4 Tbsp
2 stalks tanglad ( lemon grass )
3 pcs Calamansi
1 Tbsp Hot Chili Sauce ( kung gusto nyo lang maanghang )
Dahon ng Laurel hindi required pero kung trip mo lang pwede din...

Paraan Ng Pagluto :

Hugasan maigi ang manok at patuyuin o patuyuin. pagkatapos ay pigaan ng kalamansi at hilamusan ang buong paligid ng manok, lagyan ng kaunting paminta. sumunod ay ilagay naman sa loob ng manok ang binuhol na tanglad at lagyan ito na kaunting bawang at sibuyas. ( mag iwan ng kalahati para sa pakukuluang sauce ).

Maghanda ng malaking Kaldero / Kaserola / Kawali kahit ano basta kasya ang isang buong manok.

Gumamit ng barush o kutsara. pwede din kamayin mo na. pahiran ng pinaghalong toyo, oyster sauce, ketchup at hot chili ( kung gusto nyo maanghang , kung hindi wag na ) ang manok. Hayaang itong mababad ng 10-20minutes upang manuot ang lasa.

ilagay ang natirang kalahati ng mga ingredients at ibuhos ang 500ml na sprite sa kaldero kasama ng manok. simulan ng iluto ang manok at pakuluin gamit ang katamtamang apoy.

kapag nagsimula na itong kumulo, hinaan po lamang ang gamit ng apoy at patuloy itong pakuluan sa loob ng isang oras. dahan dahan baliktarin ang manok sa ika 30 minutes ng pagpapakulo upang pumantay ang luto.

Patuloy itong pakuluan sa mahinang apoy hanggang sa lumapot ang sauce para mas lasap ang lasaat may sauce na matira..

Maari na po itong isalin sa malaking plato at i-serve..

Maraming salamat po sana magustuhan nyo po.. Promise MAsarap po ito..


Ito Habang nakababad ang manok


qAq3bpT.jpg


Nagsisimula ng kumulo

mWlHsxa.jpg


Nilipat ko po sa kawali dahil masyadong malalim ang kaserola namin mahirap magbaliktad..

Snd89xA.jpg


Finish..

Masarap po kasing lasa ng ham kasi manamis namis ang lasa dahil sa sprite

s2yPcCB.jpg


Enjoy Cooking
 
salamat idol cyber at na e-share mo sa amin yan :)

perfect nga yan panghanda sa pasko at any occasion..lalo na kung wala ka gaanong budget

masarap na mura pa
















br
hard rezet
 
salamat idol cyber at na e-share mo sa amin yan

perfect nga yan panghanda sa pasko at any occasion..lalo na kung wala ka gaanong budget

masarap na mura pa

oo idol uubos ka lang mga 25o pesos..

ung red horse nakalimutan ko isama ah :)) =))
 
sarap nito bossing ma e try to sa christmas.
hindi lang magaling na mga tech dito sa ant. magaling din sa pag luto haha
 
aus to ahhh...masususbukan ko lutuin yan
salamat sa reciep mo boss mukhang masarap ah...
 
Chicken Sprite Kung Tawagin.. Masarao Po Ito Sa Pasko. Kung Walang Pambili ng Hamon:)


Ingredients:
1 Large Whole Chiken
1 Bottle Sprite 500ml ( kung mas malaki ung manok ung malaking sprite na )
1 Head Garlic, minced
1 Large Onion, minced
Paminta
3 Tbsp soy sauce ( Toyo )
3 Tbsp Ketchup
50 grams oyster sauce or 3-4 Tbsp
2 stalks tanglad ( lemon grass )
3 pcs Calamansi
1 Tbsp Hot Chili Sauce ( kung gusto nyo lang maanghang )
Dahon ng Laurel hindi required pero kung trip mo lang pwede din...

Paraan Ng Pagluto :

Hugasan maigi ang manok at patuyuin o patuyuin. pagkatapos ay pigaan ng kalamansi at hilamusan ang buong paligid ng manok, lagyan ng kaunting paminta. sumunod ay ilagay naman sa loob ng manok ang binuhol na tanglad at lagyan ito na kaunting bawang at sibuyas. ( mag iwan ng kalahati para sa pakukuluang sauce ).

Maghanda ng malaking Kaldero / Kaserola / Kawali kahit ano basta kasya ang isang buong manok.

Gumamit ng barush o kutsara. pwede din kamayin mo na. pahiran ng pinaghalong toyo, oyster sauce, ketchup at hot chili ( kung gusto nyo maanghang , kung hindi wag na ) ang manok. Hayaang itong mababad ng 10-20minutes upang manuot ang lasa.

ilagay ang natirang kalahati ng mga ingredients at ibuhos ang 500ml na sprite sa kaldero kasama ng manok. simulan ng iluto ang manok at pakuluin gamit ang katamtamang apoy.

kapag nagsimula na itong kumulo, hinaan po lamang ang gamit ng apoy at patuloy itong pakuluan sa loob ng isang oras. dahan dahan baliktarin ang manok sa ika 30 minutes ng pagpapakulo upang pumantay ang luto.

Patuloy itong pakuluan sa mahinang apoy hanggang sa lumapot ang sauce para mas lasap ang lasaat may sauce na matira..

Maari na po itong isalin sa malaking plato at i-serve..

Maraming salamat po sana magustuhan nyo po.. Promise MAsarap po ito..


Ito Habang nakababad ang manok


qAq3bpT.jpg


Nagsisimula ng kumulo

mWlHsxa.jpg


Nilipat ko po sa kawali dahil masyadong malalim ang kaserola namin mahirap magbaliktad..

Snd89xA.jpg


Finish..

Masarap po kasing lasa ng ham kasi manamis namis ang lasa dahil sa sprite

s2yPcCB.jpg


Enjoy Cooking

mukhang masarap to a makagawa nga nito minsan.
 
Back
Top