What's new
PinoyTechnician

This is a sample guest message. Register a free account today to become a member! Once signed in, you'll be able to participate on this site by adding your own topics and posts, as well as connect with other members through your own private inbox!

EXTERNAL HDD with USB ONLY configuration

esprugodoys

Registered
Joined
Jul 13, 2017
Messages
93
Reaction score
3
Points
1
So eto na mga boss...

Focused ang topic na to for EXTERNAL HDDs na USB ONLY. Kadalasan sa ganitong configuration ay My Passport (Western Digital) tulad nitong ipapakita ko sa inyo.. Tinumbok ko yung WESTERN DIGITAL dahil ito ang pinaka marami na encounter ko. Sa typical external hdd, ang pumapasok agad sa isipan natin is HDD (with Sata port) + external case na may circuit board na ang tawag ay USB-SATA Adapter.

PICS:

Typical na EXTERNAL HDD. Dalawang board ang mahahanap natin, board ng USB-Sata Adapter at board ng HDD



EXTERNAL HDD na USB ONLY configuration. Wala tayong makikita na SATA Port at iisa lang na board makikita natin.... ang board mismo ng HDD


USB-SATA or USB-IDE Adapter
ito yung mga board na nasa loob ng external case. kung mapapansin niyo, meron COMMON na piyesa bawat adapter board... ang IC (square na malaki). Yan ang nagsisilbing BRIDGE or INTERFACE para mag communicate ang HDD natin sa computer gamit ang USB connection.




USB-SATA/IDE Bridge IC



Maraming brand/manufacturer niyan pero sa encounter ko with Western Digital, itong IC ang common at mejo sikat na problemado;

INITIO INIC-1607E

*May ibang variant ang IC na yan... INIC-1607P. Ito ang walang AES (sa madaling salita ENCRYPTION). Ang configuration din ng board na gumagamit nito ay katulad ng typical USB-Sata Adapater. Ganun pa man, parehas lang ang problema na sikat sa mga IC nato...... pumapalya.

Anong mangyayari kung papalya ang USB-SATA/IDE Bridge IC?

Tulad ng karamihan na issue, pag plug mo sa PC walang mangyayari. Mag ilaw lang ang indicator na may power, maramdaman mo nag spin ang hdd, pero nakatunganga lang. No detection kahit alam mo na OK yung hdd na nilagay mo sa adapter.

Sa kaso ng INIC-1607E, wala pa akong nakita na board configuration na hindi USB ONLY kapag itong IC na to ang gamit. Bakit? Dahil sa AES or DATA ENCRYPTION... Ang IC na to ay capable e ENCRYPT ang buong HDD, at ito ang namamahala sa pag DECRYPT naman upang ma access ang data sa loob. Kung ito ang papalya, literal na MALAKING PROBLEMA dahil "built-in" ito sa board ng HDD mismo.

PIC:

INITIO INIC-1607E on Western Digital (My Passport) WD5000BMVV



Troubleshooting and Data Recovery

Sa typical USB-SATA/IDE Adapater, kung papalya ang IC ay pwede tayo gumamit ng iba. Bili lang tayo ng external case at ilipat ang HDD. Marami tayo options for troubleshooting kumbaga... Pero kapag USB-ONLY configuration, pahirapan ito dahil sa ENCRYPTION ng ginagamit na USB-SATA Bridge IC (Initio INIC-1607E).

Dito na papasok ang pinakita ko sa FB Group Page natin, ito:


BYPASS or CONVERSION ang tawag ko jan. Bakit? Dahil ang mga colored wires na nakikita niyo ay DIRECT CONNECTION sa SATA Signal test points. Na bypass na ang problemadong USB-SATA Bridge IC. Hindi ito 100% effective dahil sa ENCRYPTION, pero nagbibigay naman ng kunting pag-asa na maka recover tayo ng data.

PROCEDURE:

-Hanapin muna ang Rx at Tx na linya ng SATA sa USB-SATA Bridge IC
-E disable ang USB-SATA Bridge IC. May 4 na capacitor tayong kelangan tanggalin, bawat isa ang konektado sa Rx at Tx pins ng IC.

Bakit 4 caps? Rx(+), Rx(-), Tx(+), Tx(-)
Kapag natanggal natin ito, isolated or disconnected na ang linya ng BRIDGE IC at ang IC na nag control mismo ng HDD.

Capacitor location:


Sa SATA Signal cable, ganito ang pin out;


Ito ang kelangan natin ma establish para ma bypass ang Bridge IC at sakaling swertehin ma access pa ang data. Binanggit ko ang swertehin dahil may cases na AUTO ENCRYPT ang gagawin ng IC, so ang mangyayari ay mag detect nga sa PC pero ZERO data ang makikita. Minsan pati partition structure ng hdd, ayaw ipakita ng bwesit na IC na yan.

Alin sa TEST POINTS ang kelangan? Sa WD5000BMVV at kalapit na model;

1 GND Ground
2 A+ or Tx+ ----- TP E71
3 A- or Tx- ----- TP E72
4 GND Ground
5 B- or Rx- ----- TP E73
6 B+ or Rx+ ----- TP E75
7 GND Ground

SAMPLE


Pwede din SATA Signal Cable ang gamitin.
Pero dapat may "GROUND LOOP"... see 2nd pic.



POWER SUPPLY
Sa supply ng POWER, 5v lang kelangan ng 2.5" na HDD. So marami tayong options for power source... Alam niyo na yan. ;)


BONUS:

Ito ang PIN OUT ng Initio INIC-1607E IC





PS:

Mejo malabo ang mga pics kaya hinalo-an ko nalang ang iba galing sa ibang source. Rush pagkagawa ng thread kaya pasensya kung magulo ng kunti... hehe..

May iba pang topics sa HDD repair na pwede ko ibahagi... Yun nga lang wala akong reference pics dahil mga gawa ko yun noon at di pa masyado nag-isip na e document ang mga troubleshooting..
 
Back
Top