What's new
PinoyTechnician

This is a sample guest message. Register a free account today to become a member! Once signed in, you'll be able to participate on this site by adding your own topics and posts, as well as connect with other members through your own private inbox!

HDD Repair (Board Swapping)

esprugodoys

Registered
Joined
Jul 13, 2017
Messages
93
Reaction score
3
Points
1
Siguro naman may nakaranas na satin dito ng mga ganitong insidente;

-Pumutok PSU ng desktop computer dahil nag overheat or may bumigay na piyesa at nadamay pati hdd at iba pang piyesa.
-Nalusaw na ports ng HDD
-at iba pa na maaring magdulot ng damage sa board


Example:

Pumutok micro-controller / IC. nadamay ng mag overheat at pumutok ang PSU
No power na hdd dulot ng damage nito




Sa ganitong kaso bihirang masira ang data na nasa disc plate mismo ng hdd, ibig sabihin possible pang mapagana ito uli..



Ano ang kelangan sa repair procedure;

*IDENTICAL HDD (Brand, Model, Capacity). Pwede tayo maghanap ng mga defective HDD (malubha na health sa HD Sentinel, maraming bad sector, mga tipong ganyan na sira). Ang importante ay WORKING at walang damage ang board dahil ito ang gagamitin natin sa repair.

*REPAIR TOOLS siyempre Hot Air, tweezer, flux, atbp...

SAMPLE:

Same BRAND MODEL AT CAPACITY pero magkaiba ang FIRMWARE (ito ang nakatago na data sa ROM CHIP)





REPAIR PROCEDURE:

BOARD SWAPPING. madali gawin pero nakakalimotan ng iba ang pinakamahalaga na part sa procedure na to at yun ay walang iba kung di ang ROM Chip. andito nakatago ang Hardware Info ng HDD tulad ng HW ID, Model, Capacity, PN, SN, etc. Sa madaling salita FIRMWARE. Kung basta nalang natin e swap ang boards, gagana pa rin ang HDD, mag spin pero hindi madedetect dahil hindi tugma ang data na nasa loob ng ROM Chip.

Kapag mag swap ng boards, siguradohin na mailipat natin ang ROM Chip ng defective board dun sa board na gagamitin as replacement.


Paano ma identify ang ROM Chip?

Madali lang... 8-pin IC. yan lang ang palatanda-an.

Sample ng ROM Chips;







SUMMARY:

RED - Defective Board
BLUE - Donor or Replacement Board
YELLOW - ang ROM Chip na dapat ilipat dun sa replacement board bago ikabit sa HDD na nirerepair natin





Binabahagi ko po ito baka sakaling wala pa nakapag post patungkol dito. Pwede kasi itong pandagdag kita lalo na sa panahon ngayon na hindi lang kapwa tech ang k kompetensya sa kaalaman ng CP repair.
 
Back
Top