What's new
PinoyTechnician

This is a sample guest message. Register a free account today to become a member! Once signed in, you'll be able to participate on this site by adding your own topics and posts, as well as connect with other members through your own private inbox!

REFERENCE iPhone 5S No Power (No Shorted/Grounded, And No Any Sign Of Leakage Components)

RTO

Registered
Joined
Feb 7, 2019
Messages
792
Reaction score
299
Points
81
credit sa totoong mayari ng thread....


History :

Galing na naman daw to sa ibang shop. Ayun sa aming customer na nagdala nito dito sa shop ay dating may power ang telepono at di nagtacharge kaya nang malowbat na ay di na nagagamit. Sibubukan nilang ipagawa ngunit di naman naayos at doon na nagsimula ang kwento.



Hakbang:

Binaklas ko ang telepono at inusisa ko muna kung may shorted/grounded oh di kaya ay leaking na components at wala akong nakita.

Palit ng ibang baterya ngunit di na nagpa power on ang telepono. Testing sa computer kung detected ngunit hindi rin nagkukunekta.

Natandaan ko ang mga naikwento nya at yun ang tanging naging batayan ko.

Sinuri ko ang Q2 at nakita kong wala nang pyesa at tuklap na rin ang lalapatan na parang kinain ng kalawang. Pinagtuunan ko na kaagad ang Q2 at naghanap ng jumpering solution baka merong mahagilap na solusyon.



Heto po ang mga iyon:


f_EZAP14.png



w_Ac_SJhb.png



w_W4_E88d.png




at ang pang huli ay ang paraan ng jumpering na tulad nito,


LLhj_H8_D.png


IMG_20171005_152200.jpg



IMG_20171005_155949.jpg





Testing ko na kaagad…

Yes, …akala ko tinamaan na ng tsamba;), yun pala ay hindi pa. Tiningnan ko na naman ulit ang board at may napansin akong nagalaw na ang U2 ic. Sinubukan kong palitan ang U2 ic kaya lang ay wala pa rin ngunit may kunting pag asa ng nakikita dahil nga nagka power na di pa nga rin lang nagta charge. Sa puntong yaon ay sinilip ko na naman ulit ang linya ng Q2, kapa-kapa ng kaliwang kamay habang ang kanan naman ay abala sa katabi ko:slobber:. Tantiya kong okey naman ang pagkakabit ayun sa dama ng aking hinala. Kaya palit na naman ulit ng U2. Since wala na akong ibang mapagkunan dahil isa na lang ang available na U2 kaya naging bayani pansamantala si iphone 5c ko.

Heto po silang dalawa oh na nakahilata, parang nagtampo si 5c, nakalihis ang tingin eh.

IMG_20171005_145126.jpg



Para sa mga mambabasang di pa nakakakilala kay U2 at di pa masyadong kabisado sa orientation sa board nito ay maging “kwidaw”…este tandaan na di po pareho ang direction sa pagkalagay sa board nito. Bale kung titignan ang marking/palatandaan ng U2 ng 5s ay natingin sa kanan habang ang sa 5c naman ay sa kaliwa, kahit na nakatuwad:))(upside-down)…oh para di mas pilyong pakinggan ay magkasalungat silang tingnan.


Ikinabit ko na po ulit ang U2 ng 5c at testing na kaagad… dama ko kunti ang kabog ng dibdib ---ng kasama ko habang nakatingin sya ng lumabas na ang mansanas…


Sambulat agad nya ng “ayus”:surprise: nagulat tuloy ako sa biglang sigaw nya buti di ko nabitawan 5s nya. Ayun at tinamaan na naman ulit ng tsamba.



Yan po sya oh,

IMG_20171005_143146.jpg



Sana po ay wag magalit sa tema ng aking kwento,
Spoiler
Kaya sana nga kahit papaano ay makatulong ng kaunti di sa mga babaerong beterano na kundi para po sa mga baguhan.

Hanggang sa muli.
wave


Last edited: May 11, 2018
 
Back
Top