What's new
PinoyTechnician

This is a sample guest message. Register a free account today to become a member! Once signed in, you'll be able to participate on this site by adding your own topics and posts, as well as connect with other members through your own private inbox!

nokia 5800d-1 fully shorted, done through camera removal

ar.vill

Registered
Joined
Jul 28, 2014
Messages
134
Reaction score
4
Points
1
Hello magandang hapon po!
share ko lang tong isang munti kong nagawa kanina lang talaga.

Sira ng telepono : Fully shorted ang board (subalit ito nagagamit ng maayos kaya lang madaling maubos ang laman ng baterya)

Paraan ng paggawa : Dapat uunahin pong kapain ang kalimitang umiinit na components ng board at kung sakaling walang makapang umiinit ay itrace
ang mga capacitors na may kinalaman sa primary line ng positive terminal ng baterya.

Nagawa ko na yata lahat ng paraan (nagpatulong na ako kay pareng google at dito sa tahanan natin at...hehehe, nagbabaka sakali rin sa ibang tahanan ngunit wala pa rin akong mahitang solusyon sa aking kinakaharap na problema. Katunayan muntik na...akong mapasuko... Pero napag isip isip ko aba'y ilang oras ko rin itong pinagtiyagaan sa kadahilanang kaibigan kasi, kaya't ayun pinag tiisan ko pa rin habang wala pa si kumander, este si customer. Haaay naku...sa kabutihang palad natsmbahan ko ring natagpuan ang solusyon... ang salarin, walang iba kundi ang lokong CAMERA ng telepono.

eto na po ang pagmumukha niya:

20150224_160459.jpg


Nagtataka ako bakit gumagana pa rin ang camera samantalang kung ikakabit itoy magiging fully shorted ang telepono. Naitrace ko po ang linya o terminal ng telepono at dun ko po nalaman na mayroong continuity ang metal shield ng telepono dun sa positive terminal ng camera, sa makatuwid kung ibabalik ito sa kanyang pinaglalagyan siguradong magkakaroon ng short ito dahil ito'y may direktang kuneksyon dun sa ground terminal ng mainboard. Kaya naisipan kong lagyan na lang ng masking tape ang tagiliran upang di maglalapat ang metal contact nito dun sa negative terminal na metal contact din ng kanyang socket.

At nang maikabit ko na eto na sya :

20150224_153007.jpg


At eto na rin ang huling kaganapan...

20150224_153321.jpg


sana po ay makatulong din sa iba.​
 
Back
Top