What's new
PinoyTechnician

This is a sample guest message. Register a free account today to become a member! Once signed in, you'll be able to participate on this site by adding your own topics and posts, as well as connect with other members through your own private inbox!

Shop Table Mula sa Scrap

bojs

Registered
Joined
Jun 12, 2014
Messages
2,415
Reaction score
30
Points
381
October 15, 2016, brownout sa amin, hindi maka repair ng cellphone kaya naghanap ako ng ibang kapaki-pakinabang na gagawin.

Naalala ko yung mga materyales na nakatabi kaya inilabas ko at inisip kong gumawa ng isang Working Table para sa shop ko.

Mga Tools:

1. Martilyo - pampukpok syempre :))
2. Pako - pinupokpok ng martilyo :))
3. Metro - panukat ng haba
4. Eskwala - para makatiyak kung tuwid
5. Lagare - pamputol

Mga Materyales:

1. Board (mula sa lumang cabinet na nabaha noong October 18, 2015). Mabilis nasira kasi yari pala sa cork.
IMG_20161015_095805.jpg


2. Mga dos por dos na kahoy (ito yung mga ginamit pang porma sa poste ng shop ko noong itinatayo ito). Ito yung pinaka frame:
IMG_20161015_095819.jpg


ito naman ang mga magiging paa ng table:
IMG_20161015_095600.jpg

Medyo kinapos kaya tatlo lang yung dos por dos yung pang apat ay nagputol na lang ako ng sanga ng mahogany sa likod bahay.


Pagbubuo:


1. Dahil nagawa ko na ang frame, yung mga paa na lang ng table ang ikakabit:
IMG_20161015_100925.jpg
IMG_20161015_100938.jpg


2. Nang maikabit ko na ang dalawang paa hindi na ito tatayo kapag yung kabila naman ang kakabitan kaya itinali ko sa likod ng aking BMW ang frame:
IMG_20161015_102842.jpg

at saka ikinabit ang dalawa pang natitirang paa

3. Gumamit ng eskawala para tiyak na tuwid ang pagkakakabit ng mga paa ng table:
IMG_20161015_103514.jpg
IMG_20161015_103531.jpg


4. Breaktime muna... kunting meryenda:
IMG_20161015_103916.jpg


5. Matapos ang "meryenda", lagyan ng brace ang mga paa ng table para tumibay:
IMG_20161015_112026.jpg
IMG_20161015_112033.jpg


6. Pagkalagay ng brace, itayo at ipatong ang board:
IMG_20161015_112046.jpg
IMG_20161015_112122.jpg

itama sa frame at saka pakuan.

7. Pinturahan:
IMG_20161015_135311.jpg

Medyo nagmamadali sa pagpintura kasi dumudilim na paparating na daw si bagyong Karen

8. Testing:
IMG_20161015_164820.jpg




PUWEDE. :))​





br,
bojs
 
hehe. not for sale boss t0rtZ...




br,
bojs
 
Back
Top