- Joined
- Jun 12, 2014
- Messages
- 2,415
narinig nyo na ba ito? PASMANG LAMIG.
ako hindi ko lang narinig, naranasan ko pa.
isang araw, kagaya ng nakagawian ko na, uminom ako ng tubig pagkagising. ang kaibahan lang ng araw na iyon, diretso mula sa ref ang tubig na ininom ko. biglang parang nagka sore throat ako. kaya sabi ko agapan ko na, uminom na ako ng gamot agad.
bandang tanghali, natuluyan, nilagnat na ako at sobrang sakit ng ulo ko at sobrang mainit PERO malamig ang mga paa.
sinubukan ko na ang lahat ng gamot sa lagnat at trangkaso pero wlang umubra. halos isang linggo akong nagkaganoon.
isang hapon, dumating ang isang loyal kostumer ko na matanda na, pinaliwanag ni misis kung bakit hindi ako maaaring mag-repair ng oras na iyon, halos isang linggo na actually.
ang sabi ng matanda, "ay pasmang lamig yan. kailangang mapaliguan mo sya ng pinakuluang dahon ng kalamias at mapainom din ng pinakuluang dahon ng kalamias."
"teka," sabi ng matanda, "uuwi ako at ikukuha ko siya." sabay alis.
after mga 20 minutes, bumalik ang matanda at may dala ngang mga dahon ng kalamias at itinuro kay misis ang proceso.
ito ang proceso:
1. linisin ang mga dahon ng kalamias. halos isang balde ang dami.
2. ilagay sa kaserola at lagyan ng dalawang baso ng tubig, pakuluan.
3. hintaying mag-evaporate ang kumukulong dahon ng kalamias at umabot na lang sa isang baso ang laman.
4. salain at palamigin ng kaunti at ipainom sa pasyente (mapait ito). mas magandang maubos ng pasyente ang isang basong mainit/maligamgam na pinakuluang dahon ng kalamias.
5. lagyan uli ng tubig ang kaserola kung saan nandun pa ang mga dahon ng kalamias.
6. pakuluan ulit ito.
7. pag kumulo na, palamigin ng kaunti at ito ang ipaligo sa pasyente. dapat hindi masyadong maligamgam, mas maganda kung medyo mainit pa talaga pero hindi naman masyadong mainit.
ito ang ginawa sa akin. nang matapos na lahat ng ito, para lang akong nag dahilan, nawala ang sakit ng ulo ko at hindi na ako nilalamig. ang sarap sa pakiramdam.
buti na lang dumalaw yung kostumer ko. sa ngayon, isang linggo na akong ok ang pakiramdam.
sana makatulong ito sa lahat ng magbabasa.
br,
bojs