WELCOME!

By registering with us, you'll be able to discuss, share and private message with other members of our community.

SignUp Now!

Pasmang Lamig

Online statistics

Members online
9
Guests online
97
Total visitors
106

Latest posts

bojs

Registered
Joined
Jun 12, 2014
Messages
2,415
narinig nyo na ba ito? PASMANG LAMIG.

ako hindi ko lang narinig, naranasan ko pa.

isang araw, kagaya ng nakagawian ko na, uminom ako ng tubig pagkagising. ang kaibahan lang ng araw na iyon, diretso mula sa ref ang tubig na ininom ko. biglang parang nagka sore throat ako. kaya sabi ko agapan ko na, uminom na ako ng gamot agad.

bandang tanghali, natuluyan, nilagnat na ako at sobrang sakit ng ulo ko at sobrang mainit PERO malamig ang mga paa.

sinubukan ko na ang lahat ng gamot sa lagnat at trangkaso pero wlang umubra. halos isang linggo akong nagkaganoon.

isang hapon, dumating ang isang loyal kostumer ko na matanda na, pinaliwanag ni misis kung bakit hindi ako maaaring mag-repair ng oras na iyon, halos isang linggo na actually.

ang sabi ng matanda, "ay pasmang lamig yan. kailangang mapaliguan mo sya ng pinakuluang dahon ng kalamias at mapainom din ng pinakuluang dahon ng kalamias."

"teka," sabi ng matanda, "uuwi ako at ikukuha ko siya." sabay alis.

after mga 20 minutes, bumalik ang matanda at may dala ngang mga dahon ng kalamias at itinuro kay misis ang proceso.

ito ang proceso:

1. linisin ang mga dahon ng kalamias. halos isang balde ang dami.
2. ilagay sa kaserola at lagyan ng dalawang baso ng tubig, pakuluan.
3. hintaying mag-evaporate ang kumukulong dahon ng kalamias at umabot na lang sa isang baso ang laman.
4. salain at palamigin ng kaunti at ipainom sa pasyente (mapait ito). mas magandang maubos ng pasyente ang isang basong mainit/maligamgam na pinakuluang dahon ng kalamias.
5. lagyan uli ng tubig ang kaserola kung saan nandun pa ang mga dahon ng kalamias.
6. pakuluan ulit ito.
7. pag kumulo na, palamigin ng kaunti at ito ang ipaligo sa pasyente. dapat hindi masyadong maligamgam, mas maganda kung medyo mainit pa talaga pero hindi naman masyadong mainit.

ito ang ginawa sa akin. nang matapos na lahat ng ito, para lang akong nag dahilan, nawala ang sakit ng ulo ko at hindi na ako nilalamig. ang sarap sa pakiramdam.

buti na lang dumalaw yung kostumer ko. sa ngayon, isang linggo na akong ok ang pakiramdam.

sana makatulong ito sa lahat ng magbabasa.

br,
bojs
 
salamat. medyo lalaki-lakihan ko lang:

kamias2.jpg

DSC09978.jpg

br,
bojs
 
ito pala yon sir bojs
kala ko ano yung kalamias
IBA tawag nito dito sa amin. hehehe...
 
ito pala yon sir bojs
kala ko ano yung kalamias
IBA tawag nito dito sa amin. hehehe...

oo nga IBA nga pala tawag nyan sa ilonggo.

ang iba tawag kamias. dito sa zambales hindi ko alam kung ano ang tawag nila.

sino kaya kapampangan? taga pangasinan? ilocos? bikolano?

baka pwede po ninyo ibigay ang pangalan ng kalamias/kamis jan sa inyong lugar...

Dito sa amin tawag diyan "EBBa" or "IBA"
 
narinig nyo na ba ito? PASMANG LAMIG.

ako hindi ko lang narinig, naranasan ko pa.

isang araw, kagaya ng nakagawian ko na, uminom ako ng tubig pagkagising. ang kaibahan lang ng araw na iyon, diretso mula sa ref ang tubig na ininom ko. biglang parang nagka sore throat ako. kaya sabi ko agapan ko na, uminom na ako ng gamot agad.

bandang tanghali, natuluyan, nilagnat na ako at sobrang sakit ng ulo ko at sobrang mainit PERO malamig ang mga paa.

sinubukan ko na ang lahat ng gamot sa lagnat at trangkaso pero wlang umubra. halos isang linggo akong nagkaganoon.

isang hapon, dumating ang isang loyal kostumer ko na matanda na, pinaliwanag ni misis kung bakit hindi ako maaaring mag-repair ng oras na iyon, halos isang linggo na actually.

ang sabi ng matanda, "ay pasmang lamig yan. kailangang mapaliguan mo sya ng pinakuluang dahon ng kalamias at mapainom din ng pinakuluang dahon ng kalamias."

"teka," sabi ng matanda, "uuwi ako at ikukuha ko siya." sabay alis.

after mga 20 minutes, bumalik ang matanda at may dala ngang mga dahon ng kalamias at itinuro kay misis ang proceso.

ito ang proceso:

1. linisin ang mga dahon ng kalamias. halos isang balde ang dami.
2. ilagay sa kaserola at lagyan ng dalawang baso ng tubig, pakuluan.
3. hintaying mag-evaporate ang kumukulong dahon ng kalamias at umabot na lang sa isang baso ang laman.
4. salain at palamigin ng kaunti at ipainom sa pasyente (mapait ito). mas magandang maubos ng pasyente ang isang basong mainit/maligamgam na pinakuluang dahon ng kalamias.
5. lagyan uli ng tubig ang kaserola kung saan nandun pa ang mga dahon ng kalamias.
6. pakuluan ulit ito.
7. pag kumulo na, palamigin ng kaunti at ito ang ipaligo sa pasyente. dapat hindi masyadong maligamgam, mas maganda kung medyo mainit pa talaga pero hindi naman masyadong mainit.

ito ang ginawa sa akin. nang matapos na lahat ng ito, para lang akong nag dahilan, nawala ang sakit ng ulo ko at hindi na ako nilalamig. ang sarap sa pakiramdam.

buti na lang dumalaw yung kostumer ko. sa ngayon, isang linggo na akong ok ang pakiramdam.

sana makatulong ito sa lahat ng magbabasa.

br,
bojs

salamat sa info boss bojs :-bd
 
eba tawag sa amin hehehe..maasim yan eh...

thanks bojs.....try ko bunga nya ilaga baka mas maganda pa...hehehe
 
wow boss salamat sa share mo buti naman meron ng solusyon sa ganyang sakit....

sa cellphone merong solusyon dito meron din hehehehe

meron din ung iba na mainit na panahon tapos bigla kang

mag ice cream kinabukasan bigla masakit lalamunan

isa din yan ang pinanggagalingan ng lag nat .......

hehehehehehehehhehehehe
-
 
Boss dapat nagdapadala kana din kay tomer ng bunga maasim at masarap yon lagyan kunting asin...
 
simula noon lagi nang libre ang pa-repair nya. dinalhan din niya ako ng mga bayabas, vitamin c daw.

br,
bojs
 
samin po dito sa pampanga kamias po tawag namin dyan sobra asim po nyan hehehe...
 
boss salamat sa info.matanong ko lang boss isang beses nyo lang po ba sya ginawa..hehehe may trangkaso rin kasi nanay ko baka kayanin din...
 
dalawang beses po.

yung unang beses, omokey na agad ang pakiramdam ko. ginawa ko ng pangalawang beses kasi medyo maulan yung mga panahon na yun, medyo nag-aalala akong maligo ng malamig.

pero sa palagay ko maganda sya gawin lagi lalo na kung marami ka rin lang mapagkukuhanan ng dahon ng kamias.

sana gumaling na rin agad ang nanay mo.

br,
bojs
 
good day

nilanlan namin to coder bojs

isa din pangpa-alis ng " LOOD" anong tawag sa tagalog nito?:)))

br,

zochralski
 
naranasan ko rin yan mga boss, ang totoong dhilan jan mtagal kmain ng pnanghalian,halos nlilipasan na ng gutom dhil inuuna pa ung pgrerepair,kya minsan dnadaan nlng sa pg inum ng tubig na mlamig..kya mga boss at mga master HUWAG MGPALIPAS NG PGKAIN..isipin nyo kalusogan ntin i2 ang ating puhonan..[-X[-X[-X
 
sa amin yan BOSS SA ILOKANO TAWAG NAMIN PIAS.... GINAGAMIT DIN NAMIN TO SA MGA ULAM TULAD NG PAKSIW....
 
sir... isang balde talaga literal po yung dami ng dahon....? balde as in ? confirm ko lang kasi baka po maapektuhan ang effectivity f di po masunod yung "dosage" efficacy effect

tintukoy ko pong balde as reference e "timba" or pail/bucket in english...
 
Back
Top